Sino ang Dapat Managot?
Habang nagtatanghilain kami nabanggit ng aking ama ang sumusunod:
“Gusto kong mahirapan siya, gusto kong maparusa siya.”
Ang taong tinutukoy ng tatay ko ay isang lalaking maraming beses na naging sentro ng iilang pag-uusap at pakikipagtalo tuwing kumakain. Halos isang dekada na kaming mag-ama, maging kaming buong pamilya, na nag aaway at nadadala sa sigaw dahil sa iisang tao na ito. Isang tao na kamakailan lang ay walang sawang paghahanga at kung minsa’y pagsasamba sakanya ang nagagawa ng pamilya ko, lalo na ang papa ko. Isang tao na sa tatlumpu’t taong niyang pagiiral sa dyaryo at isipan ng mga Pilipino, ay tunay na nagbigay kahulugan kung anong klaseng bansa at samakatuwid, anong klaseng tao tayo. Ang taong nais makita ng aking ama maghirap at maparusahan ay si Rodrigo Duterte.
Sino ang Dapat Managot? Read More »









